ABOUT
THE CHALLENGE FOR ALL PINOYS AND PINAYS IN JAPAN – Bakit sa Japan kung saan mas maraming Pilipino na nagtatrabaho at naninirahan at kung saan mas mataas ang standard of living, WALA TAYONG SARILING FILIPINO SCHOOL?
Bakit ang mga Indian, Taiwanese, Brazilian, Intsik, Koreano, Indonesian may sariling school sa Japan?
Bakit sa bansang Greece, China, Kuwait, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Libya, Oman at Bahrain kung saan maraming Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan, mayroong Filipino school?
May mga modelo nang Filipino school sa ibang bansa at may mga nabuo nang foreign school sa Japan kaya di imposible na magkaroon tayo ng sariling Filipino school sa Japan. Ang kulang lang natin – PAGTUTULUNGAN para magkatotoo ito. Dahil ang isang Filipino international school sa Japan – kung mayroon tayo, maraming magagawa ito para sa ating mga kabataang Pilipino at malaking tulong ito para sa ating lahat.

Maraming mabibigyan ng trabaho kung may sarili tayong Filipino school sa Japan, di ba? Kailangan natin ng teacher, day care workers, canteen staff, cook, librarian, janitor/cleaner, ano pa? Ang mga migrante puwede ring magkaroon ng school dito pag evening o weekend. Halimbawa, mag-aral ng computer technology, business, Japanese, cooking etc. Puwede rin sigurong maging lugar ito para ipagpatuloy ang pag-aaral na hindi natapos dahil nagpunta na sa Japan. Magkakaroon din tayo ng sariling building na puwede nating gamitin sa ating mga activity pag weekend? Puwedeng gamitin ito para sa mga contest, ballroom dancing, festival, bazaar, sports atbp. Puwede ring lumaki at magkaroon ito ng branches sa buong Japan. Samakatwid, basta maayos ang management at mapapagkatiwalaan, napakaraming opportunities ang mabubuksan kung may Filipino school tayo.

Ilan sa mga napag-alaman natin ang mga typical na sitwasyon kung saan ang pag-aaral ng mga anak ay malayo sa kaalaman ng mga magulang. Bakit? Ang mga kabataan ay nag-aaral sa salitang Hapon at ang mga magulang na Pilipino ay may maliit na partisipasyon sa bagay na ito. Resulta – hindi nila nasusubaybayan ng husto ang mga natutunan ng kanilang mga anak. Sa mga anak natin tayo nagpapaturo kung anong nangyayari. Samakatwid, ang monitoring natin na dapat ay sa iskuwela at sa natutunan ng ating mga anak, hindi ganito ang nangyayari. Mas madalas na nahuhuli tayo sa mga balita. Gamansuru ng gamansuru ang mga kabataan natin, ang laki ng epekto nito sa kanilang pagkatao sa darating na panahon. Sana’y naiisip din natin ito di lang para mapag-aral sila kundi dahil karapatan nila ito bilang mga kabataang Pinoy rin.
I am interested to be a teacher of this Filipino International School in Japan. I teach English and Computer in a local high school here in the Philippines.
I don’t know to whom will I address my application in case there will be an opening for this school so I am writing this comment to anyone in charge of this project.
Gustong-gusto kong tumulong sa kapwa ko Pilipino na maibahagi ko ang aking kaalaman sa pagtuturo sa Filipino, ang kultura natin, ang ating tradisyon at lalong-lalo na ang ating Pambansang Wika, upang kahit na nandiyan sila sa Japan ay makakausap pa rin nila ang kanilang mga mahal sa buhay na nandito sa Pilipinas. At para rin maging sariwa pa sa isip at damdamin ng mga batang Pinoy ang ating sariling kultura at tradisyon at maipagmamalaki nila ito kahit nandiyan sila sa Japan.
Matulungan ko man lang silang maitala sa kanilang mga isipan ang mga bagay na dapat nilang matutunan at maipagmalaki sa kanilang pagiging isang tunay na Pilipino kahit na may halo ng dugo ng dayuhan ang dugong nananalaytay sa kanilang katawan.
Sa ngayon, hindi ko alam kung paano ako mag-aaply. Sana may magmagandang loob na kapwa ko Pinoy na tutulong sa akin upang makapagturo ako diyan sa Japan.
Mabuhay tayong lahat na mga Pilipino.
God Bless and More Power!
I am willing to be part of the teaching team..I dont know to whom will I address my application just in case you will be needing one.
ako ay japino 16 years old at nag aaral dito sa Philippine.ang Mga magulang ko ay nag paplano na dun nalang sa Japan kami maniniraha ngunit ang problema ko naman ay di ko naman yata kaya mag aral dun kasi di ako fluent sa nihongo. Magandang plano yung FISJ lalo na sa kabataan na katulad ko.