jump to navigation

Kabayan Orientation for Migrant Children in Tokyo March 5, 2006

Posted by filschooljp in HOME.
3 comments
Here in Japan, it’s a pity that there are more than 400,000 Filipinos and yet we don’t have our own international school.  Why do Indians, Taiwanese, Brazilians, Chinese, Koreans, Indonesians have their own school in Japan?  Also, how come there are overseas Filipino schools in countries like Greece, China, Kuwait, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Libya, Oman and Bahrain?  Those are big questions imposing 2 big challenges ahead for all of us who are concerned about the future of our children in Japan.

We have to make every Japanese-Filipino child (JFC) brighter, smarter and proud of his/her bicultural heritage.  This way, having this identity is an advantage for the JFC.
With the permission of our St. Anselm’s church parish priest, Fr. Leo Schaumer, we are pleased to present a program called
 

KABAYAN ORIENTATION FOR MIGRANT CHILDREN IN TOKYO
 

This FREE program is a weekend bicultural school project for all Japanese-Filipino children in Tokyo and its main targets are:
 

* To raise consciousness to Japanese-Filipino children and parents that there is Japanese-Filipino Identity and to help them build up its advantages;
 
* To impart learning of English and Filipino as second languages of Japanese-Filipino children;
 
* To provide a learning experience of Filipino values and cultural heritage of the Philippines

Who are qualified to join?

* Children with Japanese and Filipino parents;
* Children with Filipino parents who are working in Japan
 

The program is more of an experience for JFCs to play because “play is the work of children” and this was once said by Jean Piaget, a psychologist.  It is in this activity when children learn how to do things, how to make things work and how to manage their own worlds.  In this line, we incorporate the appreciation of a bicultural heritage and the advantage of having a Japanese-Filipino identity
 

This project will be launched after the Golden Week, 2-4PM on a Sunday with free lunch and snacks for parents and JFC participants.

Advertisements

CFO, interested to support FISJ project February 27, 2006

Posted by filschooljp in HOME.
add a comment

Dear Concerned Kabayan:

I got a message from CFO (Commission on Filipinos Overseas) and its interest to help in the formation of the Filipino International School in Japan. Hope that you can help too by providing more data to know the concentration parameters in order to complete our proposal… ika nga’y, huwag po tayong pahuli at baka buo na at saka pa lang tayo tutulong… sana sa umpisa pa lang, makita na natin ang mga totoong kikilos para magkatotoo ang proyektong ito. Maraming salamat po.

SURVEY – http://www.tpmovers.org/filschool_japan.htm
WEBSITE – http://www.fil-school-japan.net
 

This is Atty. Golda Myra Roma, officer of the Planning, Research and Policy Office of the Commission on Filipinos Overseas. I read your message in the pinoy abroad yahoo groups and I got interested regarding your proposal of establishing a Filipino school in Japan.

As you would probably know, the CFO is the Secretariat of the Inter-Agency Committee on Philippine Schools Overseas. CFO supervises and coordinates activities relevant to PSOs and assist in the establishment of PSOs, among other things. At present, there are 39 schools in 9 countries, 31 of which are already accredited by the Department of Education.

In this regard, may I inquire on how CFO can assist you in your plan to put up a Philippine school in Japan. May I also inquire on the following to assist us in evaluating the feasibility of putting up a school in Japan:
a. number of prospective students who may enrol
b. existence of Philippine studies or curricula in Japanese schools
c. possible venue

We hope to hear from you on these matters. Should you have any questions, please do not hesitate to call us.

Thank you and best regards,
Golda Myra Roma

Communication styles para sa mga batang Global Pinoy February 17, 2006

Posted by filschooljp in HOME.
add a comment

 

 

Usual styles:

(Jap-Fil couples)
school – Nihongo
bahay – Tagalog and English with nanay, Nihongo with tatay
environment – mini-mix nila sa mga Japanese-Filipino rin pag Sunday sa church o sa mga activity ng community

(Foreign-Fil couples)
school – English o kung anong main language na gustong ipaaral ng mga magulang say French
bahay – Tagalog with nanay, native language ni Tatay say French o Arabic
environment – mixed tapos iyung iba pinapa-attend nila sa mga libreng Jap schools ang kanilang anak para matuto rin ng Japanese

Samu’t sari ang natututunang salita ng mga kabataan pero mabilis ang kanilang pickup kasi bata pa.

Dito sa ganitong discussion natin naiiintindihan kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng sariling Filipino school sa Japan para may structure o modelo tayong maipo-promote para sa effective na pagpapalaki ng mga bata. Sa ngayon, experiential o basi sa mga experience lamang tayo nagbabasi. Kaya sana matulungan natin ang project na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa survey sa http://www.tpmovers.org/filschool_japan.htm .

Let’s support the Nationality Petition! February 12, 2006

Posted by filschooljp in HOME.
add a comment

“Ang pagkakaloob ng Japanese nationality ay isa mga matitingkad na issue na kinakaharap ng mga bata na naka-depende kung ang mga magulang ay kasal o hindi. Halimbawa, ang mga batang isinilang ng dayuhang ina at amang Hapon na hindi kasal, kapag nai-“Taiji Ninchi” (pagrehistro ng amang Hapon bago isilang ang bata) ay makakakuha ng Japanese nationality. Subalit ang mga nabigyan ng “Ninchi” o kinilala ng amang Hapon pagkatapos isilang ay hindi maaaring makakuha ng Japanese nationality.”

Para sa mga gustong tulungan ang Petition na ito… pumunta po tayo sa http://www.petitiononline.com/NatPetit/petition.html

UMAAPILA:
Lawyers’ Association for Confirmation of Japanese Nationality
Lawyers’ Association for Japanese-Filipino Children
Citizen’s Network for Japanese-Filipino Children (JFC Network)
KAFIN (Kalipunan ng mga Filipinong Nagkakaisa)
 
ADDRESS:
JFC Network, Tokyo, Chiyoda-ku, Kudan Minami 4-8-34 HK Bldg 303
Postal Code 102-0074

Please add your comments about this issue.  Thank you very much.

CAUSES February 12, 2006

Posted by filschooljp in HOME.
add a comment

Let’s support all causes of Japanese-Filipino Children (JFC). 

1. Japanese Nationality Petition (Deadline:  February 21, 2006)

“Ang pagkakaloob ng Japanese nationality ay isa mga matitingkad na issue na kinakaharap ng mga bata na naka-depende kung ang mga magulang ay kasal o hindi. Halimbawa, ang mga batang isinilang ng dayuhang ina at amang Hapon na hindi kasal, kapag nai-“Taiji Ninchi” (pagrehistro ng amang Hapon bago isilang ang bata) ay makakakuha ng Japanese nationality. Subalit ang mga nabigyan ng “Ninchi” o kinilala ng amang Hapon pagkatapos isilang ay hindi maaaring makakuha ng Japanese nationality.”

Para sa mga gustong tulungan ang Petition na ito… pumunta po tayo sa http://www.petitiononline.com/NatPetit/petition.html

UMAAPILA:
Lawyers’ Association for Confirmation of Japanese Nationality
Lawyers’ Association for Japanese-Filipino Children
Citizen’s Network for Japanese-Filipino Children (JFC Network)
KAFIN (Kalipunan ng mga Filipinong Nagkakaisa)
 
ADDRESS:
JFC Network, Tokyo, Chiyoda-ku, Kudan Minami 4-8-34 HK Bldg 303
Postal Code 102-0074

CONTACT PERSONS:  Rosanna (09035498960), Cesar Santoyo of CJFF (09057638320), or Aga of Kafin (09092037195); or please send the signed petition to the following telefax numbers: Kafin Center – Saitama (048-4335504) and (048-2533942).

Please support our online survey… February 11, 2006

Posted by filschooljp in HOME.
1 comment so far

 

Rebuilding the once good image of the nation… pls help the Filipino School in Japan project!  Kindly respond to our survey below and please spread the word to your friends. 

SURVEY – http://www.tpmovers.org/filschool_japan.htm

Here in Japan, there are more than 400,000 Filipinos and we don’t have our own school.  Why do Indians, Taiwanese, Brazilians, Chinese, Koreans, Indonesians have their own school in Japan?  Also how come there are overseas Filipino schools in countries like Greece, China, Kuwait, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Libya, Oman and Bahrain?  Isn’t it a big question?  What do you think are the challenges ahead?  Please share by clicking this link.

The JFC World! January 25, 2006

Posted by filschooljp in HOME.
add a comment

Kabayan, how many Japanese-Filipino children (JFC) are proud of being called that way?  How many of them see the advantageous side of being born with 2 rich cultures? 

Join us in this project and let’s support the JFCs!!!

Comments on the SURVEY/Project January 21, 2006

Posted by filschooljp in HOME.
10 comments

FROM THE FILIPINO COMMUNITY IN JAPAN
 
 ”Because I want my son to learn the Filipino culture and also, I do not want us (me and my son) to be separated from his father that is working here.” – Comment from Kanagawa
 
 ”Wala pa po akong anak pero kung sakali man na magkaroon ako at nandito pa rin ako sa Japan mamarapatin kong papag aralin siya dito…” – Comment from Mitaka-shi, Tokyo
 
 ”Kulturang Pilipino At Hapon ang dapat na maging centro na itututo ng itatayong paaralan…maraming mga batang pilipino na galing sa pilipinas na walang alam sa salitang hapon at kultura nito…isa ako sa susuporta God Bless Us All…” – Comment from Kita-ku, Tokyo
 
 ”Para mapalaganap pa din ang kultura, kasaysayan, kaugalian, paniniwala at pamumuhay Pilipino upang mabigyan ng tamang “identity” at sapat na kaalaman tungkol sa pinagmulan ang mga batang lumalaki dito sa bansang hapon. Maliban pa dito, upang higit na maipagpatibay ang mahusay na komunikasyon ng mga bata sa kanilang mga magulang na hindi rin naman sapat ang kaalaman sa bansang hapon kahit na gaano pa sila katagal na dito.” – Comment from Saitama
 
 ”Kailangan natin ang Philippine school sa Japan dahil dumadami ang mga half-Filipinos na lumalaki dito sa Japan at mga expatriates din na napipilitang ipasok ang kanilang mga anak sa Japanese school dahil sa lack of choices..Meron ding mga anak ng mga babaeng nakapag-asawa ng Hapon na inadopt na ang kanilang asawang Hapon na hindi maka-adjust sa Japanese schools because of cultural and language barriers. At saka merong maraming Pinoy na gustong ipamulat sa anak nila ang kultura at pananalitang Tagalog at English na hindi mapupunan na Japanese schools.” – Comment from Tsukuba City

Do you have questions about the survey/project? January 21, 2006

Posted by filschooljp in HOME.
1 comment so far

Bakit kailangan ng survey? Para malaman natin kung saan ang concentration na nakararaming JFC (Japanese-Filipino children) at ilan ang gustong mag-aral. So far sa 170 na na-survey na natin, 1 lang dito ang hihingi pa ng permission ng asawa bagong sumagot ng OO sa Filipino school sa Japan. Karamihan sa mga sumagot ay nasa Saitama at Tsukuba. Baka ibig sabihin nito, sa Saitama o Tsukuba ang unang school natin?  Hintayin natin ang kasagutan ng nakararami… sana umabot sa 1,000 responses o lumampas pa para talagang malinaw ang resulta ng ating feasibility study. 

Dahil DATA ang magiging susi natin para malaman ang concentration kung saan nandoon ang mga kabataang pupuwedeng maging estudyante ng ating Filipino school, ang inyong pagtulong para maikalat ang SURVEY na ito at makulekta ang mga data ay malaking tulong para matuloy ang project natin.

TARGET RESPONDENTS:  Mga Pilipino o Pilipinang may anak sa Japan o nasa Pilipinas na gustong pag-aralin sa Japan

Sa mga gustong tumulong, naririto ang mga puwedeng gawin:

A.  OFFLINE VERSION – Paki-printout po ang:SURVEY FORM (pdf version) at i-xerox natin at ikalat sa ating mga kaibigan at mga kakilala sa simbahan o sa kalapit-lugar.

B.  E-MAIL VERSION – Paki-cut at paste ang mga sumusunod na teksto at i-copy sa isang email na ipapadala sa mga kaibigan o kakilalang interesado sa ating proyekto:

——————————————————————

Subject: Filipino School in Japan Project – EMAIL SURVEY FORM
(Kindly e-mail back to tpmovers@gmail.com upon completion.)

Pangalan:
Address:
Tel. No.:
Fax No.:
Mobile No/E-mail:
E-mail Address:

MGA KATANUNGAN:

1. Bilang ng anak na nasa Japan?
Kasarian at edad ng bawat isa? (Ex Babae-3)

2. Kung may anak na nasa Pilipinas, ilan sila?
Kasarian at edad ng bawat isa? (Ex Babae-3)

3. Bakit mo gustong pag-aralin sa ganitong school ang iyong mga anak?

——————————————————————–

C. ONLINE VERSION – Paki-direct ang mga kaibigan o kakilala sa ONLINE SURVEY FORM na nasa: http://www.tpmovers.org/filschool_japan.htm   

KUNG KAYO AY MAY KATANUNGAN, PAKISULAT BILANG COMMENT O KOMENTO SA IBABA.  MARAMING SALAMAT!       

   

 

VOLUNTEER January 21, 2006

Posted by filschooljp in HOME.
add a comment

      

Sa mga gustong tumulong, paki-email sa tpmovers@gmail.com .

Ang pinakaimportanteng move natin ngayon ay makumpleto ang isang feasibility study na nakapokus sa pagkulekta ng data para sa isang feasibility study sa buong data.

Pakibisita ang SURVEY tab ng ating blog para makita ang mga survey version na mayroon tayo para maikalat sa mga Pilipino at Pilipina sa buong Japan.

Pakilista na rin ang inyong comment o motivation at saan kayong grupo at anong lokasyon ninyo sa Japan.  PAKICLICK ANG LINK NA ITO PARA MAISULAT ANG INYONG SUPORTA SA PROJECT NA ITO.  Maraming Salamat!